Custom Search

Sunday, October 19, 2008

Isang Patotoo

Poem written by my betterhalf in the year 1997

Sa aking pagsulyap sa buhay ko noon
Walang maalala kundi madilim na kahapon
Mga sandaling puno ng pagtatanong
Mayroon bang sa aki'y nais na tumulong?

Dumating ang sandaling ika'y nakilala
di inaasahang dala mo'y pag-asa
sa buhay kong itong nalugmok sa dusa
hinihintay na kasagutan narito na pala.

Baku bako kong landas nagawa mong patagin
aking mga kasalanan nagawa mong patawarin
madilim kong buhay iyong ipinagliwanag
lahat ng ito'y dahil sa iyong habag.

Kaya't sa aking paghahambing sa buhay ko noon
di makapaniwalanag narito ako ngayon
ang mundo kong dati'y kay gulo
ngayon nasa ayos ng dahil sa Iyo

Kaya't purihin Ka Panginoon kong Diyos
sa Iyong pag-ibig pagmamahal mong lubos
Iyong kaligtasan ibinigay sa akin
tunay ngang nararapat na Ika'y purihin.

Bilang pasasalamat O Hesus namin
narito ako, ako'y iyong gamitin
paglilingkod sa iyo' buong pusong gagawin
upang buong mundo'y ikaw ang purihin.

No comments: